Dapat ba? Hanggang Kelan?

“Kung sino sumuko, sya ang talo”

Sa buhay yan ang pananaw ko, kung sumuko ka…talo ka!

May mga bagay sa buhay natin na kelangan nating ipaglaban, minsan makakalimutan na natin ung sarili natin. Pero ganun talaga eh, may mga bagay na di basta basta mabitiwan. May mga bagay na dapat hindi ka mawalan ng pag-asa, kahit alam mong sobrang katiting nalang ung pag-asang nakikita mo o minsan nga wala na.

Minsan kahit alam mong kalaban mo na ang buong mundo, kahit alam mong di sang-ayon ang lahat ng tao sa ginagawa mo, kahit alam mong hindi na maganda ung tingin sayo ng ibang tao, kahit alam mong walang kakampi sayo, walang dadamay sayo, walang makakaintindi sayo… meron pa ring mga dahilan na tumutulak sayo na kumapit, na wag susuko..

Paano mo kakalimutan ung kaisa isang naging dahilan na naging masaya kang muli, ung kaisa isang nagbigay ng kahulugan ng buhay mo, ung kaisa isang nagparamdam sayo na dapat kang mahalin, ung nagbalik ng matatamis mong ngiti, ung nagbangon sayo sa sakit ng nakaraan mo, yung nag-iisang taong naging dahilan ng ngiti sa bawat araw ng buhay mo… ung kaisa isang taong kumumpleto ng kulang sa buhay mo.

Paano kung kelangan mo nang iwan yung kaisa isang taong kumumpleto ng buhay mo? Paano?

Hindi ko alam kung may taong maniniwala sakin, hindi ko alam kung may taong makakaintindi ng sitwasyon at desisyon ko. Hindi ko alam. . . Hindi ko mapipilit ang lahat ng taong intindihin ako. Hindi ko na iniisip ko anu ang iisipin ng ibang tao sakin. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko sya kayang ipaglaban. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko sya kaya at dapat ipaglaban. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko sya karapat dapat ipaglaban. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s