Estudyante

Huwebes, Andoks (Market Market), 8:00PM

Salvz, Carl, Ate Zai, Fatima

Inabot kami ng gutom habang nag-aantay  sa iba naming kasama. “Andoks” napagdesisyunan naming dun kumain. Dalawa sa aming kasama ang balak uminom ng Tanduay Ice. Ako at si Carl ang umorder ng aming makakain.

“Miss, isang sisig, sinigang na baboy, 4 rice.. saka pala 2 tanduay ice” -salvz

Nagtaka na ako na tinitingnan ng crew ang damit ko. “Computer Engineering Technology” kasi ang nakalagay sa damit ko. Akala ko isa syang CoET kaya sya napatingin sa damit ko. Nagtanung na ako “Bakit? :/”

Tinawag na nya ang isa pang crew. May pinaguusapan sila. :/ Bigla nalang sya nagsabi na:

Hindi po kami nagbebenta ng Tanduay Ice sa mga estudyante”

Waaa! anu daw? kami estudyante?? Hahaha! Sumagot ako.

Hindi kami estudyante, nagtratrabaho na kami :)”

Pero, hindi sila naniwala. Pinakita na namin ang aming Company ID, walang epekto, sagot lang niya

“Kahit po nagtratrabaho na kayo, muka pa rin kayong bata, hindi po talaga kami nagbebenta sa mga estudyante.. mahigpit po kami dito.”

Nang tumingin ako sa mga taong nakapila sa likod namin, nakatingin na silang lahat. Iniwan ko nalang ang pera kay Carl at tinawag ko nalang ang isa kong kaibigan na tumuloy ng order.

Wala kaming nagawa, pinanindigan nila na ESTUDYANTE kami. Hinayaan nalang namin. At tumawa nalang sa pinaglalaban ng 2 Babaeng crew  😀

Kumain na kami.. na may panulak na SPRITE.. haha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s