someone i’m proud of

Father's Day at G4

Father's Day at G4

June 19, 2011 – Father’s Day

“One father is more than a hundred Schoolemasters. “

~George Herbert, Outlandish Proverbs, 1640

Papa, itay, daddy, dad, tay, tatay.. anu man ang tawag natin sa kanila, iisa lang ang naiisip natin pagdating sa kanila.. ama = “haligi ng tahanan”.. ang naghahanap-buhay para sa pamilya.. ang kumakayod ng husto para sa pamilya.. Kakalimutan ang kanilang personal na pangangailangan para sa pamilya. Ginagawang araw ang gabi para kumita ng pera, para may mapakain sa pamilya. At isa ako sa napakamaswerteng anak sa mundo na meron akong pinagmamalaking tatay na lubhang hindi nagkulang sa amin.

“Ginagawang araw ang gabi” yan ang laging sinasabi sakin ng aking mama na ginagawa daw ni papa, ang hinihingi lang nilang kapalit mag-aral ako ng mabuti ng hindi masayang ang paghihirap nila papa. At hindi ko naman sila binigo, sila ang inspirasyon ko sa aking pag-aaral at ngayon na may trabaho na ako.. nararamdaman ko na pinagmamalaki at masaya sila kung asan at ano ako ngayon. Kung hindi man kami napalaki nila papa sa luho, hindi na kaso un.. at ayun ang ipinagpasalamat ko sa Diyos.. nang dahil dito, natuto ako kung paano humawak ng pera, na mahirap kumita ng pera kaya ang kailangan marunong ka humawak..

Ngayon na may trabaho na ako, ito na ang pagkakataon na ibalik ko naman sa kanila ang paghihirap nila para samin, sa pamamagitan ng mga simpleng bagay na makapagpapasaya sa kanila. Father’s Day, naisip ko na dalhin naman si papa s lugar na kahit papaano makakalimutan nya ang mabigat na trabaho, lugar na pinupuntahan ko rin para mawala ang pagod ko.. Hindi naman ako nabigo dahil alam kong kahit papaano nalimutan ni papa ang mabigat na trabaho at sumaya sya. 🙂

He is the one that I’m really really proud of. :*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s