Damihan mo ang kwento ng buhay mo..

“Be contented and cherish what you have, I assure you, you’ll be happy” -salva

NO CONTENTMENT, sabi nga nila likas na daw sa tao yan, laging may gusto pang marating o makuha sa kabila kung anung meron sila.

Paano kung ang pakiramdam mo ay may kulang pa sa kung anung meron ka.. pero sa tingin na iba sapat na.. Alam mo kung paano makuntento, pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na alam mong may pwede ka pang marating na pupuno sa kung anung alam mong kulang sayo ngayon.

Paano kung gusto mong may marating pang mas mataas, pero natatakot ka sa pwedeng maging resulta na hindi ka magtagumpay. Natatakot ka sa pwedeng mangyayaring hindi maganda at pagsisihan mo bandang huli. Sa madaling salita, “naduduwag” kang sumubok dahil natatakot na baka pagsisihan mo lang ang lahat sa bandang huli.

Paano kung nasa ganito kang sitwasyon? Ano ang pipiliin mo? Manatili sa iyong tinatawag na “comfort zone” o susubok at “take the risk” sa magiging resulta?

“Damihan mo naman ang kwento ng buhay mo salva!” yang ang linyang binitiwan ng isa kong kaibigan matapos akong magkwento ng mga bagay na gumugulo sa isip ko.

“natatakot ako..paano kung hindi ako pumasa?”.. “paano kung pumasa ka?!”.. “natatakot ako na baka hindi ako maging masaya..” “paano kung mas magiging masaya ka pala!” ganyang lang ang naging takbo ng usapan namin..

Paano nga ba malalaman kung malamig ang tubig sa ilog kung hindi mo naman ito susubukang tapakan. Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan. Kung hindi ka man magtagumpay, wala ng kaso yun, ang mahalaga hindi ka natakot, at ginawa mo ang lahat para subukang marating ang inaasam mo.

“Damihan mo ang kwento ng buhay mo”.. hindi kumpleto ang buhay kung hindi ka madadapa kung minsan. Ang mahalaga marunong kang bumangon muli matapos madapa at ipagpatuloy ang buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s