“Sana ung anak ko kagaya sayo, masipag.. hindi umaasa sa magulang. Sabi ko nga sa anak ko tularan ka eh.”
Isa sa mga pinakamagandang salita na natanggap ko sa aking buhay. Hindi ko akalain na sa normal kong pagdaan sa aming kalsada tuwing umaga para pumasok at sa paguwi sa gabi may mga tao palang nakakapansin sa kung sino ako.
Nalaman ko nalang ito ng minsa’y bumili ako sa tindahan ng aming kapitbahay. Sabado nuon, ang bungad sa akin ni nanay (kapitbahay namin mula pa ng ako’y pitong taong gulang na nasaksihan din ang paglaki ko)
“San ka nagtratrabaho? alm mo pinagmamalaki ka sa akin ng mama mo, masipag ka daw, hindi ka umaasa sa kanila, magaling ka daw humawak ng pera mo. ” wika nya. Sa dami ng sinabi nya napangiti nalang ako.. at sumagot na “Sa makati po”
“Alam mo sa tuwing dumadaan ka, sinasabi ko sa mga anak ko na tularan ka, dahil napakasipag mo. Hindi ka daw nawawalan ng trabaho kahit nung nag-aaral ka pa sabi ng mama mo” papuri ulit nya.
Wala akong masagot ng mga oras na yun. puro ngiti lang ang ibinigay kong sagot at hindi ko alam kung bakit. Isa lang ang naramdaman ko ng mga oras na un “saya” dahil nalaman ko na pinagmamalaki pala ako ni mama at dahil may tao palang humihiling na tularan ako ng kanilang anak..
Napakasarap sa pakiramdam na makatanggap ka ng mga ganung papuri. Salamat po 🙂
Follow @salvz21