Minsan mapapabili ka hindi dahil gusto mo, kundi dahil naaawa ka sa batang nagtitinda

Hindi lahat ng bumili ng bulaklak para sa babae ay dahil gusto nya itong bigyan. Maari ring bumili sya dahil sa nagmamakaawang batang bilhin ang tinda nyang rosas para may pambili sya ng pagkain. 😉

May 19, 2011 – Pasado alas otso ng gabi.

Nasa Starbucks (Greenbelt 1) kami ng aking kaibigan. Nagkakape at nagkwekwentuhan. May nakita akong batang lalaki, mga nasa edad dose taong gulang. May hawak na mga rosas. Lumapit sya sa isang mesa na may isang lalaki at babaeng nag-uusap. Inalok nya ito na bilhin ang kanyang tindang rosas, ngunit sa kasawiang palad, hindi bumili ang lalaki, binigyan lamang nya ng barya ang bata.

Niloko ko ang aking kaibigan,

“ikaw na ang susunod ar! hahaha”

..dahil, walang ideya ang aking kaibigan kung anu ang sinasabi ko, dahil nakatalikod sya sa mesa kung saan unang nag-alok ang bata. Nagulat nalang sya na may biglang lumapit sa aming mesa. Isang batang lalaking may hawak na mga rosas, nagbebenta sya ng mga rosas.

“Kuya, bili ka na ng bulaklak.. bigyan mo na si ate..” alok ng bata

“pambili lang ng pagkain ko kuya.. sige na” dagdag pa ng bata na halatang nagmamakaawa.

“magkano ba yan?” tanong ng kaibigan ko.

“50.00 po kuya. sige na kuya bilhan mo na si ate.”

Dahil naawa ang kaibigan ko dumukot sya sa kanyang wallet para bilhin ang rosas sa nagmamakaawang bata.

hindi pa tapos kumuha ng pera ang kaibigan ko ay may isang batang babae naman na lumapit na nagbebenta din ng bulaklak.

“Kuya, ako rin.. bili ka rin ng isa sa akin.. sige na kuya”

..isang batang babae na nagmamakawa rin. Pero hindi nakumbinsi ang aking kaibgan sa batang babae na nag-alok para bilhin ang kanyang rosas.

Habang nangyayari ang mga ‘toh tinitingnan ko ang reaksyon ng muka ng batang lalaki.. nakakaawa talaga syang tingnan at hindi rin ako  nagtataka kung ba’t naawa ang kaibigan ko sa knya. 🙂

rose

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s