gusto kong balikan..

Gumising, mag-aral, kumain, umuwi, matulog.. ayun lang ang takbo ng buhay ko nung elementarya at hayskul.. dumating ang kolehiyo, at nandyan na nagdagdagan na ng TIME MANAGEMENT.. sa buhay kolehiyo dapat marunong ka ng pahalagahan ang bawat oras, bawat minuto..

Naranasan ko ang tunay na buhay pag-aaral nung nasa kolehiyo ako taong 2009-2010.. Anjan na ang gigising ka ng maaga, papasok sa opisina ng walong oras (8am-5pm).. dederetso ng skul para mag-aral ng 4 na oras..uuwi, gagawa ng takdang aralin, magrereview.. matutulog ng 12midnight o ala una.. gigising ng alas syete..papasok sa opisina, sa skul, uuwi, mag-aaral, matutulog.. Minsan nakakalimutan ko ng kumain sa gabi. Lunes hanggang Byernes ganyan ang takbo ng buhay ko. Sa araw ng Sabado, maghapon sa skul.. 8:00am – 9pm..at sa araw ng Linggo kung minsa’y nakatakda para sa thesis.

Alam ko kung gaano kabilis tumatakbo ang oras ng mga panahon na un. Pero, sa kinatagal tagal ko sa paaralan. Masasabi kong ito ang taon ko sa pag-aaral na hinding hindi ko makakalimutan. At kung may babalikan ako at uulit ulitn na nangyari sa buhay ko. ito ang taon, lugar at mga taong babalik balikan ko..

Napakabilis ng takbo ng oras..hindi ko namalayan tapos na pala.. magtatapos na pala kami.. Ito ang mga araw na sobrang hindi ko namamalayana ang oras, na kung iisipin ko ngaun ang mga panahon na yun, saka ko napagtanto na paano ko na kayanan ang ganun kadaming responsibilidad at mga dapat isipin. Papasok ako ng opisina, magtratrabaho, mag-iisip ng XML, XSLT, PDMS at kung minsan pa ay isasabay ang pag-aaral kapag may eksam sa skul..madalas nagkakasabay sabay ang mga responsibilidad na yun.

Napakasaya lang sariwain na sa mga oras na yun ni hindi ako nakaramdam ng pagod at lungkot sa mga nangyayari at sa dami ng dapat gawin.  Isa lang ang nakita kong dahilan..

Dahil masaya at kontento ako sa mga ginagawa ko at sa mga taong kasama ko ng mga panahon na yun 🙂


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s